Tuesday, April 5, 2011

BAD VIBES!

Hayy. Bat ba nila ako sinasama sa init ng ulo nila? :| Kakainis. 

Kahapon umattend ako ng graduation ng kapatid ko. At naalala ko ung mga moments na grumaduate ako sa Alma Mater ko. :( Magisa lang ako nun di pumunta sila Mama at Papa dahil tinatamad sila pero ung time na un okay lang saken un kasi nung Elem ako nun ako din magisa eh kaya parang expected ko na un. Pero kahapon narealized ko na saming magkakapatid ako lang pala ung di pinuntahan. Si Ate, Kenneth, at John Levy present sila. Waah. Dun ko lang naisip talaga ang lungkot pala nun. :| Pero past is past. 

Ngaun, lapit na graduation ko. Pero bakit ganun parang diko ramdam. Panu ko mararamdaman kung sila mismo pinaparamdam nila saken na di ko deserve grumaduate. Nakakalungkot lang. Dapat nga sila ung excited para saken eh. Kaso hindi eh. Ewan ko ba baket sila ganyan saken. Diko na nga lang pinapansin minsan pero masakit eh. Magulang ko sila tas ganun ung pinaparamdam nila saken. Ayoko sabihin to sa kanila pero minsan ang kitid ng utak nila pagdating saken. Ewan ko ba. Diko sila maintindihan. Pag nagkakainitan kameng tatlo nananahimik nalang ako. Tas inaaliw ko nalang ung sarili ko. Diko pinapakinggan ung mga sinasabe nila kasi masasaktan lang ako lalo pag dinamdam ko pa. :| 

Gusto ko sumama ng Retreat! Sana payagan ako pero alam ko naman na sasabihin ko eh. Kaya nahihirapan ako magpaalam ngaun. Woah. Gusto ko na makapasa sa Board Exam at magptrabaho at gusto ko magsarili ng bahay. Promise! Kaya magfofocus na ako sa Review ko. Dun lang nakasalalay un. Hayy. REVIEW. REVIEW.

Sorry Lord! :( 


No comments:

Post a Comment