Sunday, March 6, 2011

DREAM.

Sa totoo lang medjo malungkot ako ngaun. :| Kasi gustong gusto ko pang magcompete. Lalo na mukang maganda ung batch ngaun. Ewan ko ba. Oo nakailan na akong competition pero diko pa kasi natutupad ung goal ko eh. Ung makapasok sa finals at gusto ko kasama ako sa compete team. Pero napakalabo na talaga eh. Hayy. Kaya minsan napapatulala nalang ako. Pero natatanggap ko naman na talaga eh. Naiinggit lang talaga ako. Bukas audition na para sa Skechers7, gustong gusto ko magaudition. Ang bigat sa dibdib. Ganito ung naramadaman ko kung unang lumayo ako sa Groove One. :| Hayy. Pero kailangan ko ng magmove on eh. Diko man nagawa ung goal ko alam ko naman ung mga taong pinagkakatiwalaan ko na magagawa nila un. Naniniwala ako sa kanila. I have faith on them and I have faith on HIM. God have a plan for us. And I know He will give to us what we want if we believe in Him. And we believed in Him continuously. 

Mukang last dance ko na talaga ung sa Sportsfest ah. Pero di porket gagraduate na ako eh titigil na ako. NO WAY! Magcocontinue padin ako sa pag aim na magexcel pa lalo. May goal na ulet ako at un ung makapagcompete sa World Hiphop. Yeah, it's a big competition. Alam ko madami pa akong bigas na kakainin bago ko magawa un. Pero naniniwala ako sa sarili ko na makakasama ako. Di naman masama mangarap eh, at di lang yan salita sa hangin galing yan sa puso ko. At gagawin ko ang lahat para makamit yan. Promise! Nangako ako sa sarili ko na kailangan makasama ako dun. At alam ko na madaming mas magaling saken pero di ibig sabihin nun eh susuko na ako. Pare parehas lang kameng tao na nagsimula sa umpisa at handa ako ipagpatuloy ung naumpisahan ko na. :) Tiwala lang naman yan eh. Basta gagawin ko ang lahat ng makakaya ko. 


No comments:

Post a Comment