Wednesday, January 26, 2011

Lalalalala.

Takot na ako magsalita. Takot na ako ipakita ung totoo kong emotions. Kaya ginagawa ko sinasarili ko nalang. Kahit sobrang hirap sarilinin kelangang tiisin. Isa pa naman sa NY's Resolution ko di nako magiging malungkot. Pero bat ganito tong nangyayare saken? Hai.

Sana pede din ako uminom ng pain reliever noh? Ang sikip kasi sa dibdib e. Diko alam kung panu ieexplain ung feelings ko ngaun. Minsan dinadaan ko nalang sa iyak. Alam ko diko madadaan sa iyak, pero kahit papano nakakagaan ng loob e. Un nalang nagagawa ko pag sobrang nahihirapan na ako.

"Pag dumadating ka daw biglang nahahati" "Nakakai-stress ka kasi e". --kahit isang beses ko lang narinig yan pero paulet ulet na nagrereplay yan sa utak ko. Kaya nga sana di-tape nalang ung utak e. Para pedeng itapon ung mga bagay na ikinalulungkot mu. Sana may ganun noh. O kaya sana totoo nalang si Doraemon para pede ako humiram sa kanya ng kahit anung bagay na pedeng makalimot. O diba? Astig kaya un. HAHAHA.

Ang dami kong gustong itype dito pero ewan ko ba kung bakit ko binubura ung iba? Tsk. Gusto ko ng masaya. Gusto ko tumawa. Gusto ko ng maingay. Pero bat ganun wala akong mahanap na place na ganun? Tsk. Perya? Mall? Divisoria? Gusto ko ng malayo. Gusto ko ako lang magisa. Gusto ko ung maliligaw ako. Gusto ko pag umiyak ako walang makakakita saken. Gusto ko pede akong sumigaw. Gusto ko mapagisa! GUSTO KO MAWALA NA TO! GUSTO KO NG MASAYA! PLEASE.

Araw araw pinipilit kong tumawa. Pagaalis ako ng bahay pupunta ako sa harap ng salamin para magpractice kung panu ako ngingiti na walang makakahalata na namamaga ung mata ko. Nagpapractice din ako tumawa ng wagas. Nagpapractice din ako ng pede kong maijoke. Pero diko nagagawa. DIKO ALAM KUNG BAKET?

Lord, help me please. I give you my heart. Ikaw na po bahala jan. :( Sobrang sakit po talaga. Kayo lang po nakakaalam kung baket ako nasasakta at nahihirapan ng ganito. Sa inyo lang po ako open sa ganito. Alam ko na sinusubukan niyo lang ako. Pero Lord give me strength para malagpasan to. Lord, natatakot na ako magsabe sa iba dahil ayaw ko ng masabihan na nakakastresses ako. Lord sana din kayo ma-stresses dahil lang sa isang tulad ko na makasalanan. Lord come in to my heart and fill it with your love. I need you. Only you.

Sana isang abracadabra. Boom. Mawala na to.

No comments:

Post a Comment